Thursday, June 28, 2007

Paghintay, Pagbitiw at Pag-asa

Paghintay. Madalas akong naghihintay. Lalo na nung medyo tanga pa ko sa mundo, well haggang ngayon naman tanga pa rin. Haha. Madalas kasi kapag pasukan, sobrang aga ko. Kapag may mga meet ups hangga't maari 15 minutes before andun na'ko. Pero nung matapos ako ng college. Parang tinamad na'ko maging maaga. Ayoko na kasi maghintay. Nakakasawa pala na sa buong buhay mo naghihintay ka lang. Sabi nila patience is a virtue, eh baka sa iba umaayon pa yon, pero sa ngayon, sa akin, hindi na muna - kapagod kasi. Kagabi andrama ng group message ko sa text, kasi feeling ko sobrang wasted na'ko sa buhay. Walang work. Naghihintay ng call back. Ampotah eh lahat ata ng kompaniya sasabihin sa'yo "we'll be calling you in a week time". Ano ba? dahil ba mabagal ako mag autocad, dahil ba muka akong mahirap na mamayan o dahil ba sa sinisiksik ko lang sarili ko sa mundo ng mga arkitekto. Hindi lang nila alam kung gaano kalupit ang pinalalampas nilang talento... wahaha... attitude. Mukang mas bagay ako sa mundo ng pag-aartista? haha. Epal. Siksik. Isa pang bagay na dapat kong tanggalin sa bokabularyo ko under the reasons of waiting. Baka naman gusto ko lang isiksik ang sarili ko sa mga bagay na di nakalaan para sa akin.

Pagbitiw. Wala naman akong dapat bitawan kung wala akong hinawakan in the first place. Tama o tama? At dahil wala kang choice, tama. Ako kasi once i hold into/on something, i always think na it will last. Pero sabi nga nila you can't hold many or all things in your hands kasi may limitations ang paghawak sa mga bagay bagay depende sa laki ng hawak mo at sa haba ng panahong nasa kamay mo lang siya. Kapag puno ang mga kamay mo, minsan dapat mo ng bitawan yung iba at maari mo itong itapon o ibigay sa iba. Minsan nagiging selfish tayo o kaya madalas nahihirapan lang talaga tayo mag let go. Ako sa ngayon marami akong gustong bitawan. Pero kapag binatawan ko ang mga bagay na yun natatakot akong may mga sumamang ayokong mawala sa kamay ko. Madalas kasi hindi ko lang sila basta hinahawakan, yung iba sa kanila nasa puso ko na, kaya dinudukot ko pa ng husto para lang alisin sa kaloob looban ko. Shette ansakit nun. Pero kailangan.

Pag-asa. Ito na lang ang natitira sa akin. Ito na lang ang pwede kong panghawakan kapag pagod na'kong maghintay at kapag gusto ko nga bumitiw. Inaalis ko na lang lahat ng negatibo, I always try to be optimistic. pero kasi kapag puso ang nahihirapan, yung utak mo bumabaluktot na rin. Nababalot ng kalungkutan. Kagabi feeling ko ako ang pinakapangit na nilalang sa mundo kasi nag-iisa na naman ako. Fuck shit, kelan ba ko nasiyahan sa pagiging mag-isa pera na lang kung nasa mall ako at may pambili ng luho... haha... outlet ba?! may nareceive akong text after ng GM ko, it's about expecting and hoping. Ops. Nice text. Mejo tumama. Sabi dun: "It is wiser not to expect but to hope, for in expecting, we ask for disappointments whereas in hoping, we invite surprises." Nga naman may point siya dun. Pero di ko maexplain, haha, ang bobo.

(1) Maghihitay ba ulit ako?

(2) Anu ano ang mga bagay na kailangan kong bitawan? Dapat ko na ba itong gawin sa madaling panahon?

(3) Hanggang kailan ko panghahawakan ang pag-asa? Bakit?

Kung nais sagutin: Kumuha ng puting cartolina.Sunugin muna ang paligid ng papel upang magkaroon ng disenyo. Gupitin ang sariling buhok at gamit ang mga nagupit na buhok buuin ang mga letrang kailangang gamitin sa pagsagot. Meron ka lamang limang minuto para sagutin ang lahat ng tanong at upang madikit ang mga letrang buhok sa cartolina. Kapag kulang ang nasagutan, hindi maintindihan ang pangungusap at hindi umabot sa oras : Lumabas ka na lang ng bahay at hayaang pagtawanan ng kapitbahay at mga kaibigan dahil kalbo ka na tulad ko.

1 Comments:

At 10:58 AM, Anonymous Anonymous said...

Oo nga noh... anong bibitawan mo kung wala ka namang pinanghahawakan?

Pero mas mabuti nang maghintay... kasi sa paghihintay, may inaasahan ka. Dumating man yun o hindi, alam mo sa sarili mong hindi mo yun binitawan. Kung titigil ka sa paghihintay, isa lang ang pwedeng mangyari... walang dadating sayo.

patience is a virtue. Better hold it in your hands so you won't feel empty. :)

 

Post a Comment

<< Home