Saturday, May 05, 2007

love trip

050307
I went out with my high school barkada last thursday (may03) at the block. The original plan was to go out of town but since we only got a day and knowing some of us just escaped school, work and home it was not really that good timing for everyone. But it turned out to be a fun-filled bonding - eating, walking and chatting while grabbing a drink and enjoying new stories from each other.

Changes, I know this will happen sometime after we graduated high school and most especially after graduating college. Eventhough we don’t forget to text and call each other whenever we find time to, it’s really different to see them and us being reunited for a year or so, plus the fact that we really miss each other. I know it’s not that long time but you can’t tell how much each and everyone had experienced through out that span of time. Imagine who would’ve thought one of us is getting a year in a relationship, one is denying she’s in love and one just had that untypical story of life and love. This we wouldn’t have thought back when we we’re in our tender teens, back when we’re just laughing out loud the whole non-sense thing, back when we just care about ourselves and be with our barkada.

I’m just so happy that for a moment I’ve forgotten how I get so trapped with my emotions, with things that are felt so deep I want to dig up and throw away.

------------------------------------------------------------------ **

050407

“ Madalas hanap tayo ng hanap sa taong magmamahal sa’tin o sa taong mamahalin natin, pero hindi natin alam kapag andiyan na pinakakawalan lang naman natin …”

Pagmamahal. Isang bagay na sobrang makakarelate lahat ng tao except sa mga taong-bato. Isang bagay na sa sobrang pagkatindi kayang gawing baliw and isang normal na nilalang. Siguro may mga taong kikiligin, merong maaasar, merong magiging emosiyonal, meron namang patay malisya at meron din namang matatawa lang kung ito ang pag-uusapan. Lahat kasi tayo may kaniya kaniyang pinagdaanan o pinagdadaanan ukol sa pag-ibig at mula dito huhugot tayo ng emosiyon sa kung ano ang palagay natin sa pag-ibig. Syet. Ang jologs. Haha. Pero ang totoo apektado tayo lahat. Tama ba?

Hmmm. Madalas na pinag-uusapan kung ang topic ay l-o-v-e : hala hala. Expert ba’ko dito? o gusto ko lang patawanin sarili ko?! Haha. Eeeew.

(‘’.) anong bago? Chismax? Balita?
(^^.) wala
(‘’.) di nga?
(^^.) Eeeeh. Basta. Wala.
(‘’.) eeeeeehh. In love?
(^^.) Ngeks. Jologs.
(‘’.) Sino?
(^^.) Ano kasi… hiya ako eh.
(‘’.) Ahahaha. Si ------ ba?
(^^.) Waaaah. How did you know?
(‘’.) Wala lang feel ko lang
(^^.) Eh kasi sobrang tinamaan lang talaga ko. Sobra kasi siyang ( … achuchuchu ever…)
(‘’.) Haha. Talaga? oh eh ano na plans mo? Alam niya?
(^^.) Hindi. Natatakot ako. Tsaka gusto ko muna makasiguro sa feelings ko.
(‘’.) Ganun? Pero alam mo … ( … cheverlu cheverness … )



(*-*) Mahal bo si ------ ?
(=.=) Hmmm. Parang.
(*-*) Parang Marikina? Haha. Yun totoo?
(=.=) Oo
(*-*) Bakit di mo ligawan?
(=.=) Eh baka di niya ko type eh
(*-*) Talaga. Bakit naman?
(=.=) Eh kasi….(achuchuchu achuchuchu…) yun.
(*-*) Hindi naman siguro. Bakit di mo subukan?



(+,+) Kamusta na kayo? Ikaw?
(-.-) Ayos lang. ayos naman.
(+,+) May bago na ba?
(-.-) Wala pa eh. Can’t get over.
(+,+) Until now? Bakit?
(-.-) I just can’t… achuchuchu achuchuchu…
(+,+) Aaaahhhh… well maybe all you need was to really move on and let time.…
( … ekekekek…. )


Epal di ba? Ansarap na minsan ilalabas mo kung ano yung nasa loob ng puso mo. Dahil dito madalas yung mga binibitiwan nating salita ang astig dahil din sa mga realizations habang kinikwento natin yung part na yun ng buhay natin. Sobrang magugulat ka nalang ang lupit na pala ng sinasabi mo. Para kang si doctor love o kaya naman yung isa sa mga tumatawag sa radio para humingi ng advice. Pero once your alone and lonely again. Eto nanaman si puso kumikirot, nagtatanong, nawiwindang.

Minsan iniisip ko, yung happiness ba nahahanap natin sa pag-ibig lang sa partner mo? Kelangan ba talagang ma-feel ng isang tao na lonely siya, bago pa siya magpakamatay o mawindang sa kahihintay ng right one for them?

Hindi ba pwedeng masuklian na lang lahat ng pagmamahal na pwede mong ibigay sa isang tao kahit di ka niya talaga mahal? parang nagbayad ka lang sa resto ng food kasi nabusog ka at dahil natuwa ka keep the change na lang walang sukli. Hindi ba pwedeng lahat na lang may partner para cute? Parang super twins –cute. Haha. Wala ng sense.

May pahabol pa … talaga bang kelangan ng sacrifice sa isang relationship para may mangyaring something na makakapagbuo ulit ng love? Gaya na lang ng pagpahid ng sipon ng partner mo kapag lumobo ito sa harap ng maraming tao … uuuy sige nga prove her that you love her. Punasan mo nga yung pumutok na lumobong sipon using your favorite hanky. Eeeew. Ahaha.

Kapag walang hug and kiss sa isang relationship, para san pa’t magsiyota kayo? Haha.

Kelangan ba talaga ng love para may growth? Eh panu yung mga maliliit pero di pa naiinlove, joke… haha. Hanggang kailan kayo maghihintayan kung nafi-feel niyo naman na mahal niyo ang isa’t isa ? kapag pareho na kayong may asawa… ouch?!

Kapag sinabi mo ba sa taong mahal mo siya, pero di ka naman niya mahal – may chance pa ba na ipagtimpla ka pa niya ng juice at papuntahin ka pa niya sa bahay nila? Tsktsk. Knowing na super sarap pa niya magtimpla ng favorite mong alatiris mixed with chesa juice topped with chopped chico. With okra cake pa yun na ni bake pa niya sa uling whole-heartedly para sa’yo may kasama pang talong on the side - yun nga lang wala talaga siyang feelings sa’yo kahit na sobrang nararamdaman mo na love ka niya at nandun yung care. Huwaw! All time big time.

Bakit may mga epal na tulad ko na nagsusulat ng tungkol sa ganito?! Ahahaha. Ang magreact di magkakalove-life sa loob ng isang siglo. Joke. Ahaha.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home