Sunday, June 24, 2007

Luneta Day

Yup, you read it right, Luneta day. CFC anniversary kasi kaya nagpunta kami with my yfc bros tas humabol yung ibang sis. Andun din si mahal na Ina. haha. Elibs naman ako dun sa batang nag lead ng worship. astig. cool dude. yuck ang korni na.

Grabe kanina lang ulit ako nakaluwas ng Maynila (ops. promdi talaga. {kanta}mahal kong maynila, ika'y hindi magsasawa... tama ba yung lyrics?) hehe. Ang sarap magpa-picture at mag-picture. Kung may camera lang ako,hay naku walang kawala sakin ang Maynila, eh buti yung isa kong kasama magdo-docu may dalang digicam eh di naki pic na rin ako. haha. Kaso siyempre iba pa rin yun kukuhanan mu yung mga bagay na interasado ka. Gaya ko, gusto ko pumicture sa kalsada, picturan ang estatwa ni Rizal dapat may guard para astig, at siyempre ang mga gusali at magagandang spot sa Luneta kabilang na'ko dun. Haha, parte daw talaga ko ng Luneta?! ang kulit. Eh ayun na nga andami rin tao. Wala lang gusto ko lang sabihing madaming tao. Haha. Gusto mo ikaw rin sabihin mo, o game ah one, two, go... "eh ayun nga andaming tao." Very Good! Haha.

Ayun, haggard kasi sobrang init the whole day pera na lang nung bandang hapon after mass umulan. Huwaw, ang sakit naman sa ulo nun. Pero ayos lang masaya. Haii naku can't believe na one year na lang ako sa YFC. Hehe. I so love the whole community. Anyways, super pasaway naman ako, pati tuloy members nahahawa.

Share ko lang din (kung ayaw mong basahin eh di huwag...haha), ang astig din kagabi kasi narealize ko HINDI ako NAG-IISA sa mundo na may same prob. Actually kahit sa text lang kami nagkausap sobrang na-touch ako sa story niya, at dahil dun gusto ko siyang i-hug. awww. (ops, hindi aso yun na umungol, yun yung sa text kapag ka na-touch ka sasabihin sa'yo ... awww - pwede ring i-read as oooohw...bahala ka na kung panu mu siya ii-interpret).

At yun na nga balik sa Luneta, kawindang yung bata kanina nagpupulot siya ng bote tas nung makita niya yung cup ng noodles bigla ba namang hinataw hanggang sa matapon at bumalibag yung lalagyan, eh may laman pa naman, nagkalat pa siya. Hay kaya mga magulang : turuan ng tamang asal ang mga anak. Pwedeng anak mo o kaya kung ayaw mo naman eh di yung anak ng kapitbahay mo o ng crush mo (yikee nanay/tatay na nga may crush pa, chismakaroo), anu ba naman yung isang bata ang natuto ng magandang asal kapamilya man o kapuso. nyah anjologs. haha.

Speaking of kapamilya, bakit kaya natanggal si Nel kagabi sa Big Brother house. Haii ano ba yan, hindi ba dapat si Wendy? O kaya si Bruce? O kaya si Bea, Gee-Ann? Pwede rin namang si Mickey at Bodie? Yuck nilahat na. haha. Akala ko pa naman si Nel ang mapapasama sa Big Four. Ngunit ako ay nagkamali. At ang pagkakamaling yun ay di dapat tularan ng iba. Pinagsisihan ko na ang naging desisyon ko. Huhuhu. Andarama? wa ka paks! ganun talaga haha.

Ikaw kwento ka naman?! anu pa't naging tambayan natin to. yess. may plugging factor. hehe.

God Bless pipol of the world! apir, apir, apir!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home