Saturday, September 08, 2007

nasaan na'ko?

minsan kelangan mo mag-isa pero hindi madalas kasi autistic ka na non. ako malapit na maging ganon pero buti na lang marunong pa rin akong makisabay sa ikot ng mundo. haha anhirap kapag napag-iiwanan ka na.

balik tayo sa pag-iisa. kapag umuuwi ako galing trabaho (kapag binabanggit ko to, feeling ko antanda ko na, people beinte anyos pa lang ako! haha) ayun na nga, malayo pa ang binabiyahe ko para makauwi sa aking tahanan. maglalakad ako mula opisina, sasakay ng tren, sasakay ng jeep, maghihntay ng fx, at kapag nakarating na ng san mateo magta-tricycle hanggang sa labas ng gate. malamang alangan naman papasukin ko pa sa loob. haha. ayun at madalas ako lang mag-isa kapagkalabasan na. dahil diyan maraming pumapasok sa isisp ko. marami akong napagninilay nilayan. isa na diyan ang pag-iisip kung ano ba talaga gusto ko gawin sa buhay ko? at dahil sa kakaisip nagkasakit ako ng isang linggo at di nakapasok ng isang araw at nakapaghalf day ng dalawang araw. haha. ganon kahina sikmura ko. marahil dala ng pinaghalo halong kamandag ng pressure, sipon, at loneliness. gusto ko na nga hanapin si happiness?! sanba talaga siya matatagpuan?

at dahil sa isang araw nga akong nakahilata sa kama at sumisinga ng sipon, sa wakas at nalista ko na rin ang mga bagay na gusto kong gawin at kahit papaano nakatulong naman siya sa aking pag-sigla. at kung bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon. haha. tulad na lang ngayon. dahil nga etong bulok na computer na to ang aking partner in crime, eh dito ko na rin nilalabas lahat ng gustong i-utot ng aking dila na sa sobrang baho eh ayoko ng maamoy ng iba mula pa sa aking bunganga. haha.

bago ko makalimutan. happy birthday mama mary! mabuhay ang mga dakilang ina!

ayun na nga. minsan kelangan balikan mo rin sarili mo eh. ano ba talaga gusto mo mangyari? forever ka nalang bang tambay dito sa cyberworld. gusto mo bang makijam naman sa mga totoong tao sa labas. hehe.

kapag nakahanap ka ng oras sagutin tong tanong na ito medyo gagaan yung feeling mo kaso maiisip mo rin yung mga kalokohan taglay mo at mga responsibilidad na meron ka. okey na yun at least kahit papaano alam mo kalakasan at kahinaan ng puso't isipan mo. di ka naman robot para gawin ang kung ano lang ang nakatakda. haha parang fantasy. nakatakda talaga. siyempre merong mga pagsubok sa pag-abot ng iyong mga pangarap. maaring makaharap mo pa nag pinakamatinding kalaban ni shaider (ang pulis pangkalawakan) na si puma-ley-ar (ano ba spelling nito?) hehe.

at siyempre magkakaroon na rin kahit papaano ng direksiyon ang buhay mo kapag nga napag-isipan mo na ang purpose mo sa mundong ibabaw. haha. ewan ko lang ah. pero ako nakatulong talaga siya sa pagiging positive ko as of now (as of now kasi malay ko ba baka bukas mabadtrip na naman ako, haha ang moody) haha. malay mo ang purpose mo talaga ay umakyat ng mount everest aba eh ngayong pa lang eh magtraining ka na at try mo ng umakyat akyat ng matataas na lugar. umpisahan mo sa pag-akyat ng puno ng alatiris (aww na-miss ko tuloy nung bata ako pumipitas ako nito sa puno ng kapit bahay). haha.

kwento lang ako. ngayon sobrang di na ako inaabutan ng ermats ko ng allowance, at sobrang sakto lang sa pamasahe ko at pagkain mula umaga hanggang gabi yung allowance na nakukuha ko sa training. gustuhin ko man tumulong sa mga gastos sa bahay eh hindi talaga kaya. kung meron ba eh bakit ako magtiya-tiyaga sa 3310, bakit ako babiyahe kung pwede naman akong mag-apartment, bakit ako magsusuot ng paulit-ulit na sweater jacket at itim at malapit ng mawarak na itim na sapatos, at bakit ako magtiya-tiyaga mag-apprentice kung pwede naman akong magcall center. yun ay dahil may gusto akong maabot. at dahil doon ano mang hirap, siguro, kelangan ko lang talaga pagdaanan. sabi nila life starts at 40 (tama ba, haha naghuhula lang ata ko ng kasabihan) pero para sa'kin kahit kakalabas mo pa lang ng tiyan ng ina mo life is starting to do its thing on you. may ipaparanas na yan kahit ano pa mang edad meron ka. at yun learning experience yun, don't take it as something that just happened, it has its purpose. and whatever it is, only God knows. kaya mabuti pa kumapit ka lang sa Kaniya ng todo. tatagan ang pananampalataya at magtiwala. haii. anseryoso na.

sige na. have to go. tandaan, more energy mas happy. wala lang. haha.

God Bless!

may isa pa pala akong hindi natatgpuan sa buhay. kung sino man siya. magparamdam ka na. haha.

1 Comments:

At 4:33 PM, Anonymous Anonymous said...

nung time na sinusulat mo yan...depressed and lonely rin ako.
sobrang moody rin ako at lahat ng mga questions in life mo, question ko rin. yung mag iniisip mo...iniisip ko rin...ilan kaya tayo sa mundo na mag kakapareho ng takbo ng isip?

 

Post a Comment

<< Home