Sunday, July 08, 2007

sabado fever

kahapon sabado naumpisahan ko ang aking umaga ng masalimuot. bukod sa may sakit ako meron akong tinatapos na project sa work na pinapagawa sakin ng isang architect. hindi ko ito natapos. akala ko pa naman magkakaroon na'ko ng first sweldo ngunit dahil sa hindi magandang performance ay binigo ko lamang si madam boss. hay. actually wala pa kong official work, iyon ay sideline na kumuha sa'kin para kahit papaano eh matrain ang blangko kong utak.

bago kami magkita at umalis, nanuod muna ako ng opening ng UAAP 70th season sa studio 23, salamat kay elijah (highschool chorva friend) at tinext ako.. wah host pala ang University of Santo Tomas. buti na lang. pero may pagsisising naganap sa akin dahil dapat ay nasa araneta ako para mapanuod ng live, dahil deadma ko sa mga nagbebenta ng ticket, malay ko bang UST pala magpeperform, ayan tuloy todo sisi ang lolo mo. Amfotesh, anlupit talaga ng school ko. hahahaha. kahit na alumni na 'ko sobrang mahal na mahal ko tong UST. waaah. iloveUST. hehe. ang kulit eh no. ang astig kasi eh. sobra. manalo matalo nasa puso ko pa rin ang pagiging TOMASINO. astig-cool-malupit-talented-cute-bonggangbongga-humble-prayerful-lahatna!. hehe. kahit madalas tong bahain sige lang at lumalaban. weh konek. haha. basta sobrang namimiss ko na tumapak ng espana lalong lalo na sa loob ng the royal and pintifical catholic university U-S-T. Go USTe! tigers power. hehe. sana manalo ulit salinggawi at lahat ng tiger teams na lalaban this season, mula basketball hanggang volleyball, taekwondo,fencing, baseball, soccer, swimming...atbp. God Bless UST! proud to be thomasian. yuck ang OA ko na.

ayun na nga matapos ang malupit na opening pumunta na ko ng sta.lu para iabot ang drawings. sabi ko na ayos lang na di ako bayaran dahil binigo ko naman siya sa pangakong tatapusin kaya ayun ang first sweldo ko ay tumataginting na 200 pesos. haha. ayos lang no. dapat nga wala eh. sobrang nakakahiya kasi. kung wala lang akong sakit at mediyo mas mahaba yung time eh natapos ko sana. ayon at least experience wise, i've done my best.

tapos dinalaw ko yung anak ng pinsan ko sa marikina. at timing eh may handa ang isa kong pinsan na pumasa sa board - si joanna a.k.a. onang. haha. astig dami handa. ansarap ng grilled liempo. kung wala lang sanang langaw sa spaghetti. haha. pero keri lang kain pa rin ako. haha. bakit ba. pero tinabi ko yung iba. haha. plastic. in fairness ansarap. eh eto pa, makakatakas ba naman ako sa tagayan? ayun napa-inom tuloy ako ng wala sa plano. dpat talaga hindi ako totoma eh kahiyaan na lang di ba, tsaka naguilty ako dati nung may tinanggihan akong shot sa house ng friend ko. haii. ops. zero-alcohol ba kamo? hehe pass muna ko sa 100% pure may okasiyon naman. weh. sana maintindihan po ninyo. hehe. ayun na nga.

buti dumating yung iba ko pang pinsan. kasabay ko umuwi mediyo may tama na kasi ako nun. kaya pinainom muna ako ng kape bago bumiyahe. baka mapano pako sa daan. haha. epal. pero ayun nasa pag-iisip pa naman ako. kasi for more than a year ata hindi ako umiinom, last siguro nung november 2005? basta 19 palnag ako nun tsaka birthday ko, h ngayon 20 na'ko. hehe.

pag-uwi ko, mejo sumubo pa'ko. ayun ayos naman nakatulog ako agad, haha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home