Tuesday, January 01, 2008

Bagong Taon

taena ang ingay sa labas. may party. hindi ko alam kung anong klase. basta maingay *(music) the poop phenomena..tengeneneng erng erng...* haha. masaya sila. wa ko paks.

anong dapat kong ipagpasalamat nung 2007:

>>nakatapos ng isang napakalupit na thesis (para sa akin). haha. at isa sa pinaka mahirap na course sa UST. take not: individual thesis. i cried a lot during the making. haha. uber naman kasi sa hirap. pero pagkatapos nun - the best feeling ever!

>> i graduated, bachelors degree in architorture. ops. architecture. sobrang nakaka-proud. nakaka overwhelm. biruin mo after five long years.

>>i at least for the first quarter of the year felt inspired. but then gone the second quarter. haha. parang periodical exam lang.

>>healthy and happy family. medyo nagdecrease nga lang yung happy part nung last few months. darn. kami lang ng ermats ko nagsimba nung christmas. oh well. but then knowing they've been all in good shape this year is one big thanks to the Lord.

>>my siblings plus my brothers and sisters in YFC at sa church. nice being with these people. sobrang cool. uber saya. pinapabata nila ko parati when i'm with them. hehe

>>got my first apprenticeship in the leading architectural firm of the country. sobrang proud to have been worked there. kahit madaming work it is something to be thankful for.

*(music) boom shakalak alakah boom shabadi...*

>>lahat ng hurts and pains and struggles na feeling ko, me against the world ang tema. so fucked up for how many days...weeks...months... buti buhay pa ko ngayon. yehey. ang galing ko mag manhid manhidan kunwari wala lang. haha. ang galing ko magpatulo ng luha sa unan. haha. yak anjologs. ampangit. ang korni.

anong kasasabikan ko ngayong 2008:

>>new work ^__^ kelangan ko ng makaipon ng pera, ng learnings at ng work ethics.

>>mas mabuting ako. duh. as if mabuti ako last year. haha

>>matuto ulit akong magmahal - ng tama. bakit anong mali dati? wahaha.

>>mas makapagdasal kay Lord. at yung araw araw lang Siyang pasalamatan.

>>mas maayos na erpats. mas malusog na ermats. at mas matitibay at maunawain na utols.

>>sarili ko. yeba.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home