Sunday, November 25, 2007

i-churba mo na lang!

"...kapag dead end na, i churba(chorva) mo na lang!"

-Manny Villar, senate president at balikbayan(qtv11)

Last night I watched balikbayan hosted by Drew Arellano at Qtv. At ang episode nila ay sa Bataan with Sen. Manny Villar. Nakakatuwa kasi andami niyang great thoughts (naalala ko sinabi rin niya na kapag wala ka ng pangarap wala ka ng dahilan para mabuhay..pareho ng sinabi saken ng nanay ko nung nag-aaral ako) haha pero nagulat at natawa lang ako nung sinabi niya yung salitang chorva. haha. Pero may point pa rin siya. Pag nga naman wala ka ng mapuntahan at di mo na alam gagawin mo... i-chorva mo na lang! haha. Go ka lang. Meron at merong paraan yan at malulusutan din.

anyways natutuwa ako na naasar kasi ang gulo ko. haha. kanina nasa isawan ako bumibili ng bituka at barbeque ng may cute na babae tumabi saken. hehe ang cute. wala lang bumili rin kasi siya ng isaw. hehe. kaso madilim na kaya hindi masiyado malinaw yung hitsura. wahaha. kinilig.

hmmm. iba naman to. tama pala yung mga napapanuod ko sa pelikula at nababasa sa libro. masakit kapag ka nawawala sa iyo o pilit mong inaalis sa isip mo yung taong naging parte ng buhay mo. kahit na minsan gusto mo lang naman malaman nila yung nararamdaman mo.yung totoong nasa damdamin mo. malabo pero ganun talaga siguro. mahirap mag let go. lalo na kung ikaw lang naman yung pumipilit na may panghawakan kahit wala naman sa simula pa lang. ikaw lang yung dapat humarap sa sarili mong katangahan. kasi siya ayos na ayos kahit wala ka. ang mahirap pa after mo mag let go eh mag move on. hmm letting go and moving on parang pareho lang? ewan ko pero sa tingin ko once na kapaglet go ka na mas madali na mag move on. pwede ka kasing mag move on ng hindi bumibitaw. tama ba? o ako lang. haha. yung parang, o sige umiikot ulit mundo mo pero yung laman pa rin ng puso mo eh nag-iisa. haha. ewan ang gulo. basta ang isa pang nakakaasar eh yung binabalewala yung sinabi mo. feeling masiyado... yung naaasar. haha. bahala na si batman. ang mahalaga chinorva mo. haha. ang nakakatakot ngayon kapag naka let go may bagong dadating hindi mo alam kung mauulit yung katangahan mo noon. kung ganun din ba siya na babalewalain ka lang din. ang sigurado lang. alam mong kakayanin mo na. alam mong kaya mong chorvahin. haha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home